-- Advertisements --
Nanawaan si Pope Francis sa mga mananampalataya na huwag kalimutan ang mga nangangailangan at mga mahihirap kahit na matapos pa ang krisis na dulot ng coronavirus pandemic.
Sa kaniyang misa sa Divine Mercy Sunday na ginanap sa Santo Spirito sa Sassia, ang opisyal na simbahan ng Divine Mercy, sinabi nito na marami sa atin na sabik ng matapos ang krisis ng coronavirus subalit nakakalimutan ang mga mahihirap.
Sa panahon aniya ngayon ng coronavirus pandemic ay dapat isawalang bahala ang mga pansariling interes ng bawat isa.
Ito rin ang unang pagkakataon na halos walang katao-tao na nagmisa ang Santo Papa sa panahon ng Divine Mercy Sunday.