-- Advertisements --
Hinikayat ni Pope Francis ang mga mananampalataya na huwag sumuko sa takot dahil sa coronavirus.
Sa kaniyang Easter vigil service, nanawagan ito sa mga mananampalataya na maging tagapaghatid ng buhay sa panahon ng kamatayan.
Kung taon-taon ay aabot sa mahigit 70,000 na katao ang dumadalo sa nasabing misa sa St. Peters’ Basilica ay naging bakante ito dahil sa ipinapatupad na lockdown.
Naging kakaiba na rin ang pagbibigay ng mensahe ng Santo Papa dahil sa isinagawa ito sa pamamagitan ng online message.