-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis sa mga mamamayan ng Morocco na labanan ang panatisismo, kasabay ng kanyang pagbisita sa nasabing bansa.

Sa kanyang talumpati sa kabisera ng bansa na Rabat, sinabi ng Santo Papa na kailangan umanong kontrahin ang fanaticism, at dapat daw mamuhay ang mga mananampalataya bilang magkakapatid.

Ipinagtanggol din nito ang “freedom of conscience” at “religious freedom” bilang batayan ng dignidad ng tao.

Sa kanyang pagdating sa bansa ay sinalubong ito ni King Mohammed VI sa paliparan.

Nakatakda namang makipagkita ang Catholic pontiff sa mga migrants at sa mga Muslim leaders.

Magsasagawa naman ng misa si Francis ngayong weekend sa harap ng Roman Catholic community sa Morocco, na ang pangunahing relihiyon ay Islam.

Ikinokonsidera naman ng Vatican ang papal visit bilang pagpapatuloy ng historic trip sa United Arab Emirates nitong nakaraang buwan. (BBC)