-- Advertisements --
Sa pagamutan ipagdiriwang ni Pope Francis ang kaniyang ika-12 anibersaryo na pagkakahalal bilang lider ng Simbahang Katolika.
Ayon sa Vatican, na hindi pa sila pinapayagan ng doctor na makalabas sa Gemelli hospital dahil mahigpit na binabantayan pa rin ang kaniyang kalusugan.
Dagdag pa ng Vatican , na sa halos isang buwan an pananatili ng 88-anyos na Santo Papa sa pagamutan patuloy ang pagbuti ng kaniyang kalusugan mula sa double pneumonia.
Tuloy-tuloy din pakikisali ng Santo Papa sa ilang aktibidad ng simbahan na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng online.
Magugunitang noong Marso 13, 2013 ng mahalal si Pope Francis ng mga Roman Catholic cardinals para pamunuan ang mahigit 1.4 bilyon na Katolika sa bansa.