-- Advertisements --

Sasailalim sa operasyon si Pope Francis dahil sa pamamaga ng kaniyang large colon.

Ayon sa Vatican, dinala sa Gemelli University Hospital ang 84-anyos na Santo Papa para sa pagpapa-opera ng kaniyang symptomatic diverticular stenosis of the colon.

Maglalabas ng health bulletin ang Vatican kapag natapos na ang nasabing operasyon.

Noong 21-anyos pa lamang ang Santo Papa ay tinanggal na ang kaniyang kanang baga at dumanas na rin ito ng problema sa beywang at sciatica.