-- Advertisements --

Nananatiling kritikal pero stable na ang lagay ng kalusugan ng ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican, wala na itong nararanasang acute respiratory episode at stable na ang lagay ng kaniyang hemodynamic paramaters.

Kasalukuyang binabantayan ng mga doctors nito ang prognosis o ang kalalabasan ng kaniyang sakit.

Sumailalim na rin aniya ito sa CT scan para mamonitor ang kaniyang bilateral pneumonia.

Nakatanggap din ang 88-anyos na Argentinian Pope ng Eukaristiya at ipinagpapatuloy ang trabaho.

Lahat aniya ng mga laboratory test nito ay nagkaroon na ng improvements at hindi na nakakabahala ang kaniyang kidney insufficiency kung saan tuloy-tuloy ang kaniyang oxygen therapy na binawasan na ang pagdaloy at oxygen levels.

Nagpapatuloy din ang ginagawang pag-rorosaryo ng mga opisyal ng Vatican tuwing alas-9 ng gabi na nagsimula nitong Lunes ganun din ang pagdalaw ng mga tao para magbigay ng dasal sa agarang paggaling ng Santo Papa.