-- Advertisements --

Nananatiling stable na ang lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican na naging maganda ang resulta ang kaniyang chest X-ray.

Hindi naman nagbigay ang doctor ng 88-anyos na Santo Papa kung kailan ito makakalabas ng pagamutan.

Una ng sinabi ng mga doctor nito na malayo na sa kritikal ang lagay ng kalusugan ng Santo Papa.

Magugunitang mag-iisang buwan na sa Marso 14 ang Santo Papa sa Gemelli Hospital matapos na dumanas ng hirap sa paghinga at nakitaan na dinapuan siya ng double pneumonia.