-- Advertisements --

Suportado ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19.

Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation.

Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines.

Sa kaniyang talumpati sa “State of the World” address nito sa Vatican na naging epektibo ang vaccination campaign dahil sa nabawasan ang mga kaso ng pagkakahawa ng sakit sa mga taong naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.

Bilang fully vaccinated na rin ay nanawagan ito sa mga lider ng bansa na isulong ang malawakang pagpapabakuna.

Muling ipinaalala niya ang pantay na pamamamahagi ng bakuna.