-- Advertisements --

Ikinagalak ng mga dumalo sa Palm Sunday sa St. Peter’s Square ang surpesang pagbisita ni Pope Francis.

Nagbigay ang 88-anyos na Santo Papa ng mga kendi sa mga bata at nakipagkamay ito sa mga mananampalataya.

Nakasakay ito sa wheelchair kung saan mayroong nakasuot na nasal cannula na isang plastic tube sa kaniyang nostril para matulungan ito sa kaniyang paghinga.

Ito na ang pangalawang linggo na bumisita ang Santo Papa sa St. Peters’ Square kahit na pinayuhan siya ng mga doctor nito na magpahinga.

Magugunitang mahigit isang buwan na nasa pagamutan ang Argentinian Pope dahil sa sakit nitong pneumonia.