-- Advertisements --
Tinanggal na ni Pope Francis ang batas na “pontifical secrecy” para sa mga opisyal ng simbahan na sangkot sa pang-aabuso sa mga minor de edad.
Ayon sa Santo Papa, layon ng nasabing hakbang ay para magkaroon ng transparency sa nasabing kaso.
Nangangahulugan dito na maaari ng ibigay ng opisyal ng simbahan ang mga impormasyon sa mga kapulisan at ibang mga otoridad na nag-iimbestiga sa kaso.
Nauna rito ipinatupad ang batas para mabigyan ng proteksyon ang mga biktima at kredibilidad ng isang opisyal ng simbahan.