-- Advertisements --
Tinanggap ni Pope Francis ang imbitasyon na bumisita sa Canada.
Nananawagan kasi ang marami sa Canada na humingi ng tawad ang Santo Papa dahil sa pang-abuso umano ng ilang lider ng simbahang Katolika doon sa mga bata.
Ayon sa Vatican, pormal na inimbitahan ito ng mga obispo ng Canada bilang bahagi ng pakikipag-ayos niya sa mga indigenous people.
Pinaplantsa pa naman ng Vatican ang maaaring petsa kung kelan isasagawa ang nasabing pagdalaw.
Magugunitang noong Mayo ay natagpuan ang bangkay ng 215 na bata sa dating Indian residential school sa Kamloops sa Western Canadian province ng British Colombia.
Dahil sa pagkakatagpo ng mga bangkay ay labis ang kalungkutan na naramdaman noon ng Santo Papa.