-- Advertisements --

Tinawag ni Pope Francis na mas matindi pa sa COVID-19 ang pagkakalat ng tsismis at pagsasalita ng masama sa ibang tao.

Ito ang laman ng kaniyang mensahe sa Vatican nitong Linggo.

Si Satanas aniya ang pinakamatinding tsismis dahil ito ay nagsasalita ng maraming kasamaan sa isang tao.

Siya rin ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng simbahan.

Hinikayat niya ang mga mananampalataya na labanan ang tsismis at maling kuwento sa iba sa pamamagitan ng pagdarasal.