-- Advertisements --

Umapela si Pope Francis sa mga Katolikong Pari na iklian ang kanilang sermon tuwing misa.

Sinabi nito na dapat ang mga sermon ay hindi na tatagal pa ng walong minuto dahil baka sila antukin.

Maaring ang homily ay maiksik ung saan maisasalarawan ang mga damdamin.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagpaalala ang Santo Papa dahil noong 2018 ay pinaalalahanan niya ang mga pari na dapat ay hindi na tatagal ng mahigit 10 minuto ang mga sermon para hindi antukin ang mga nagsisimba.