-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Wala pang senyales na makakalabas sa pagamutan si Pope Francis matapos ang halos dalawang linggo nitong pananatili sa Rome’s Gemelli Hospital matapos madiagnose ng double pneumonia na lumagay sakaniya sa kritikal na kondisyon.

Ngunit inihayag ni Bombo International Correspondent Victor Manejero ng Vatican City na positibo ang mga mananampalataya na gagaling ang 88 year old Pontiff sa espiritu ni Hesukristo sa pamamagitan ng mga medical doctors na nag-aalaga sakaniya.

Dagdag pa ni Manejero, dakong alas-9:00 bawat gabi ay may ginaganap na Holy Rosary bilang pag-aalay ng dasal para sa Santo Papa na pinapangunahan ng mga Obispo mula pa sa iba’t ibang lugar.

Habang ang mga pilgrims naman aniya ay every 5 minutes nag-aalay ng dasal na isinasagawa ng mga ito sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.

Sa kasalukuyan ayon pa kay Manejero, halos lahat ay umaasa at naghihintay na masilayang muli ang Santo Papa na nasa maayos na kalusugan.