Kinumpirma ngayon ng Vatican na sa unang pagkakataon ay hindi mangunguna si Pope Francis sa misa sa new year’s eve at new year’s day celebration.
May kaugnayan pa rin ito sa matagal na niyang dinaramdam na sciatic pain.
Ang naturang karamadaman ng Santo Papa ay unang lumutang noon pang taong 2013 na may kaugnayan sa tinatawag na “herniation of spinal disk.”
Kung maaalala noon namang buwan Pebrero ang 84-anyos na si Francis ay nagkansela rin ng kanyang nakatakdang pagsasagawa ng misa dahil pa rin sa sakit na kanyang nararamdaman pero agad na nilinaw na wala siyang sakit sa COVID-19.
Sa pagsalubong sa bagong taon, papalitan muna sa misa ang Santo Papa ni Cardinal Giovanni Battista Re, ang Dean of the College of Cardinals.
Sa kabila nito, mangunguna na lamang si Pope Francis ng Angelus prayer nitong araw ng Biyernes sa Vatican.