Nanawagan si Pope Francis sa taongbayan na hangga’t maaari ay manatili tayong humble o mapagkumbaba.
Bahagi ito ng pahayag ng 82-year-old pontiff sa kanyang Homily para sa Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.
Kaugnay nito, libu-libong pilgrims ang dumalo sa naturang misa ng Santo Papa sa St. Peter’s Square.
Inalala rin ni Pope Francis ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem na inilarawan nito bilang “humility in the face of triumphalism.”
“Jesus shows us how to face moments of difficulty and the most insidious of temptations by preserving in our hearts a peace that is neither detachment nor superhuman impassivity, but confident abandonment to the Father and to his saving will, which bestows life and mercy,†paliwanag ng Mahal na Papa.
Dagdag nito: “By his entrance into Jerusalem, he shows us the way. For in that event, the evil one, the prince of this world, had a card up his sleeve: the card of triumphalism. Yet, the Lord responded by holding fast to his own way, the way of humility.â€
Samantala, umapela ang Santo Papa sa mga kabataan na ‘wag mahiya na ipakita ang enthusiasm o labis na kasiyahan para kay Hesus- na ito ay totoong buhay at parte ng bawat tao.
Matapos ang two-hour service, hinimok din ni Pope ang publiko na magdasal para sa kapayapaan partikular sa Holy Land at sa lahat ng bansa sa Middle East.
Sa kabilang dako, sa darating na Holy o Maundy Thursday, babiyahe umano si Pope Francis sa Velletri City sa timog na bahagi ng Rome, kung saan gaganapin ang “washing of the feet” sa 12 inmates sa bilangguan sa naturang lugar.
Sa Good Friday naman, papangunahan nito ang Via Crucis (Way of the Cross) procession sa paligid ng ancient colosseum sa Rome.
Habang sa Black Saturday ay isasagawa pa rin nito ang tradisyunal na Easter vigil service, na susundan ng pagbasa sa “Urbi et Orbi†(to the city and the world) message pagsapit ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay. (Vaticannews)