-- Advertisements --
Inanunsiyo ni San Antonio Spurs head coach Gregg Popovich na hindi na siya makakasama sa koponan hanggang sa pagtatapos ng NBA season.
Isinagawa nito ang nasabing anunsiyo matapos ang pulong niya sa koponan.
Dagdag pa nito na nagiging maganda ang ipinapamalas ng humalili sa kaniya sa coaching na si Mitch Johnson.
Sa ngayon ay nakatutok ito sa pagpapagaling at pagpapalakas para makabalik na sa coaching.
Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay dumanas ang beteranong coach ng mild stroke.
Pinalitan ito ni Johnson bilang interim coach na siyang nagdala sa Spurs sa record na 22 panalo at 30 talo.