Nais nang mag-move forward ni San Antonio Spurs coach Gregg Popovich sa isyu nang paglipat ni Kawhi Leonard patungo ng Toronto Raptors.
Aminado si Popovich na noon pa man gusto nang umalis ni Leonard at lumipat sa Lakers, kaya ang nangyari umanong trade ang nararapat sa panahon ngayon.
Umiiwas na ring balikan ng coach ang pagsisikap nila noon na mapanatili pa sana sa team ang former
NBA Finals MVP at two-time Defensive Player of the Year.
Sa ngayon aniya ayon kay Pop, excited siya sa pagpasok sa koponan ni four-time All-Star DeMar DeRozan at Jakob Poeltl.
Kabilang pa sa tinanggap ng Spurs sa package deal ay ang protected 2019 first-round pick para kay Leonard at Danny Green.
“I am thrilled to have DeMar and Jakob join us. From that point on, that is where my focus will be. I am not too interested in talking about the past,” ani Popovich sa isang panayam.
Nilinaw naman ni Popovich na hindi isyu kay Leonard ang pera kaya gusto nitong magpalipat.
Simula kasi sa Lunes ay eligible na sana si Leonard na pumirma ng limang taon na $221 million super-maximum contract extension sa Spurs bago ang trade.
Ang Toronto naman ay maaaring mag-alok kay Leonard ng five-year, $190 million contract upang mapapirma sa team sa sunod na summer.
Kung sakaling umalis naman si Leonard pwede niyang kagatin ang four-year, $141 million deal na may team cap space.
Samantala sinasabing idinaan naman sa social media o Instagram ni DeRozan ang kanyang pagkadismaya na malipat sa ibang team.
Bumuhos tuloy ang maraming mga komento mula sa mga fans at players ng NBA sa naturang development.
Mayroon pa kasing tatlong taon at $83 million na nalalabi sa kontrata ni DeRozan, kabilang na ang Early Termination Option para sa 2020-21 season.