-- Advertisements --

Walang magpaglagyan ang saya ni Team USA coach Gregg Popovich matapos na makapasok ang kanilang koponan sa Tokyo 2020 Games.

Nakuha ng defending Olympic basketball champions ang puwesto matapos na magapi nila ang Brazil, 89-73, sa FIBA World Cup.

“We’re thrilled that we qualified for the Olympics,” wika ni Popovich. “With this new situation of qualifying, you don’t want to have to do that every year. So it’s a pretty big grind.”

Gayunman, kailangan muna ng Team USA na malusutan ang nalalabing mga laban upang madepensahan ang kanilang korona sa prestihiyosong torneyo sa China.

Makakasagupa nila sa quarterfinals ang koponan ng France sa bakbakang gaganapin sa Dongguan, China.

Ang panalo naman ng Spain kontra sa Serbia ang naging dahilan upang tanghaling muli ang USA bilang “team to beat” sa kompetisyon.