-- Advertisements --

Wala na umano sanang balak si Pops Fernandez na pumatol sa paglabasan ng isyu hinggil sa paghihiwalay nina Derek Ramsay at Andrea Torres kung saan siya ay naugnay.

Andrea Torres

Pero ayon sa 54-year-old singer/host, pinili niyang manahimik lalo’t mismong ang nag-break na magkasintahan ay naging matipid sa pagkuwento sa publiko.

Gayunman, maging mga kaibigan nito sa iba’t ibang bansa ay inuusisa na rin siya kaya ngayo’y binasag na ang katahimikan.

“It’s okay to ask about it because it’s absolutely not true,” saad ni Fernandez sa digital presscon ng upcoming musical show nila ng ex-husband na si Martin Nievera.

“I just don’t wanna talk about it because I felt Derek and Andrea are not really talking about it. Ang weird naman na ako yung magsasalita, right? Basta all of a sudden, ang dami-dami na lang lumabas. At hindi ko alam na ang dami-dami na palang usap-usapan,” dagdag nito.

Hindi rin daw niya akalain na mabibigyan ng malisya ang pagiging malapit nito sa ina ng 44-year-old actor at ang pagkakaroon nila ng parehong manager na si Jojie Dingcong.

“I can count the times that I have seen Derek, and during those times, we were also with Andrea. And after that, hindi na po (kami nagkita). We don’t talk to each other. We don’t really text each other. Maybe siguro kasi nagkikita kami ng mom ni Derek, but for another reason and for another purpose… but other than that, not at all.”

Una na ring nilinaw ni Ramsay na “best friends” ang kanyang ina at si Pops.

Sinasabing matagal nang magkakilala sina Derek at Pops kung saan nagkasama pa sila bilang host sa isang virtual press conference ng Department of Environment and Natural Resources.