-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tumaas ng mahigit 95-porsiento ang popularity rating ni Russian President Vladimir Putin matapos ang kanyang New Year’s message bago tumunog ang Kremlin Spasskaya Clock Tower bilang hudyat sa pagdating ng bagong taong 2025.

Ayon kay Bombo international news correspondent Juan Paolo Prado, malaki ang selebrasyon ng mga Russians ang pagsalubong ng bagong taon kahit mahigpit na kinontrola ng gobyerno ang mga firecrackers dahil sa posibilidad na mag-trigger nito ang mga drones.

Inihayag ni Prado na ang pagtaas ng popularity rating ni Putin ay dahil namintina nito ang magandang pamumuhay ng mga Russians sa kabila ng giyera nito sa Ukraine at sa maraming mga santions na ipinataw sa kanila.

Dahil din umano sa pagpo-produce ng Russia ng mga local products, kung kaya’t hindi sila umaasa sa ibang mga bansa.