-- Advertisements --

Idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Porac sa Pampanga ang state of calamity sa bayan kasunod ng malakas na lindol kahapon.

Nitong araw nang ideklara ito ni Porac Mayor Contralito Dela Cruz para mapabilis ang pag-ayuda sa mga apektadong residente.

Malawak kasi ang pinsala ng malakas na pagyanig sa bayan ng Porac.

Bukod kasi sa apat na palapag na gusali kung saan may mga naitalang nasawi, gumuho rin ang bahagi ng Santa Catalina de Alexandria Parish Church.

May ilang mga establisiyemento ring nagtamo ng pinsala dahil lindol.