Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang tinaguriang Pork barrel scam queen na si Janet Napoles para sa kaso nitong graft at malversation.
Kasabay nito ay pinawalang sala naman ng anti-graft court ang dating Ilocos Sur congressman na si Salacnib Baterina sa kanyang kaso na graft, malversation, at direct bribery na may kaugnayan sa umano’y maanumalyang paggamit nito sa kanyang Priority Development Assistance Fund allocation na nagkakahalaga ng P35M.
Sa naging desisyon ng Sandiganbayan Special Second Division, sinabi nito na walang sapat na basehan ang mga paratang na ibinabato sa dating mambabatas at wala itong naging direktang partisipasyon sa pagpopondo sa pekeng non-government organizations na itinayo ni Napoles.
Lumalabas kasi na ang organisasyong ito na itinayo ni Napoles na nagpakilalang nagbibigay ng livelihood projects ay hindi naman nag eexist at hindi totoo.
Inatasan naman ng Sandiganbayan si Baterina at ang kanyang kapwa akusado na ibalik sa gobyerno ang P35M na iligal umanong na disbursed.
Samantala, hinatulan ng anti-graft court si Napoles , Belina Agbani Concepcion at Godofredo Roque ng 6 hanggang sa 10 na pagkakakulong dahil sa dalawang counts ng kasong graft.
Bukod dito ay hinatulan rin sina Napoles, Maria Lacsamana at Evelyn De Leon ng parehong taon ng pagkakakulong dahil sa parehong kaso.
Sa kasong 2 counts ng Malversation naman ay sinintensyahan ng Sandiganbayan si Napoles Concepcion at Roque ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo o katumbas ng 20 hanggang 40 years na pagkakakulong.