-- Advertisements --
DA palace ASF Reildrin Morales
Agriculture Crisis Management Team on ASF Reildrin Morales

Tinatayang nasa P3 billion na ang nalulugi sa pork industry ng bansa simula nang pumutok ang isyu sa African swine fever (ASF) nitong nagdaang buwan ng Agosto.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Crisis Management Team on ASF Reildrin Morales, ang datos ay batay na rin sa naging quotation ng ilang mga negosyanteng karaniwang nakakabenta ng 3,000 baboy kada araw.

Ayon kay Dr. Morales, kaya kung ang isang baboy ay naibebenta ng P10,000, lalabas na P30 million kada araw ang nawawala sa kita ng mga nasa pork industry.

Papatak na aabot sa halos P1 billion kada buwan ang income losses sa hog industry kaya nasa P3 billion na ang ikinalugi ng industriya sa nakalipas na tatlong buwan.