-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dismayado si Nicanor Briones, vice president for Luzon of the Pork Producers Federation of the Philippines matapos makita ang nakapaloob sa resolusyong isinumite ng Department of Agriculture kay Presidente Rodrigo Duterte para sa pagdeklara ng state of emergency sa bansa dahil sa African Swine Fever.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Briones, sinabit nito na nakita niya ang draft ng naturang resolusyo na wala namang nakapaloob na programa at tanging contigency fund na P1-billion lamang ang laman.

Binigyang diin nito na kaya isinusulonng ang pagdeklara ng state of emergency ay upang magkaroon ng program at indemnification fund na P8.5 billion na tutulong sa mga apektadong magbababoy.

Sa ilalim kasi nito makakatanggap ang mga hog raisers maging mga commercial hog producers ng P10,000 na cash asssitance bilang bayad sa kada isang baboy na isinailalim sa culling operation.

Maliban pa dito diskumpiyado rin si Briones sa isasagawang imbestigasyon ng binuong special committee ni DA Sec. William Dar na tututok sa umano’y tongpats system o ang kickbacks sa importasyon ng baboy sa bansa.

Binigyang diin nito na walang maniniwala sa magiging resulta ng naturang imbestigasyon dahil mismong ang tanggapan umano ang mag-iimbestiga sa sariling anomalya.

Kaya suhestiyon ni Briones na dapat ang committee on whole ang magsagawa ng imbestigasyon sa naturang alegasyon para tiyak aniya na may kredibilidad ang resulta.

Pinaniniwalaang aabot daw sa P5 hanggang P7 ang nakukugang kickbacks sa kada kiulo ng imported pork products.