-- Advertisements --
Nagpatupad na rin ang Department of Agriculture (DA) ng ban sa pagpasok ng mga pork product mula sa bansang Laos.
Sa inilabas na memorandum order, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ito ay upang maiwasang makapasok ang African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas.
Nakumpirma kasi ng Department of Livestock and Fisheries director general mula sa Ministry of Agriculture and Forestry sa Laos ang outbreak ng ASF sa bahagi ng Toumlan, Saravane.
Ayon sa World Organization for Animal Health (OIE), ang ASF ay isang severe viral disease na nakakaapekto sa mga domestic at wild pigs.
Maliban sa Laos, nauna nang nagpatupad ng ban ang DA sa mga pork products galing sa mga bansang gaya ng Vietnam; Cambodia; Russia; South Africa; at China.