-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kinumpiska ng City Veterinary Office ng Santiago City ang mga pork products kaugnay pa rin sa mahigpit na pagbabanta kontra African Swine Fever.

Sa nakuhang impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Cauayan, umaabot sa 75 kilo ng maskara ng baboy, apat na kilo ng atay ng baboy at frozen meat ang nasamsam ng mga kawani ng City Veterinary Office

Ang mga pork products at nasamsam sa pag-iingat ni Ginang Mary-Ann Balmosa ng Mini Market Centro East, Santiago City.

Isang concerned Citizen ang nagparating sa City Veterinary Office l sa hinalang illegal na pagpupuslit sa nasabing mga karne.

Hinihinalang ang mga nasabing produkto ay nakalusot sa mga nagbabantay sa itinalagang Regional Quarantine Inspection sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Ang nasabing frozen meet ay nakahalo umano sa mga fresh meat upang hindi mahalata.

Ang mga nasabing produkto ay binuhusan ng krudo saka sinira.

Samantala, tiniyak naman ni Dr Solomon Maylem, City Veterinarian ng Santiago City na ligtas kontra African Swine Fever ang mga karne ng baboiy na ibibenta sa nasabing lungsod.