Itinuturo ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat ang smuggling sa karneng baboy sa mga posibleng dahilan nang pagkakapasok ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Nakapasok kasi aniya ang ASF sa Pilipinas sa kabila ng ginawang paghihigpit ng Department of Agriculture kabilang na ang pagdedeklara ng pork ban mula sa mga bansang apektado ng nasabing virus.
“Inadvertently hindi sinasadya ang pagkakapasok ng carrier, pero mas mababa ang tsansa nito,” ayon kay Cabatbat.
Naniniwala din ang kongresista na maaring magpatupad pa rin ng total ban sa mga pork imports upang sa gayon ay hindi na tuluyan pang lumaganap ang ASF sa Pilipinas.
Samantala, nagbabala si Cabatbat na posibleng tumaas ang presyo ng karneng baboy sa naturang hakbang dahil sa papalapit na rin ang holiday season.
Subalit sa kabila nito ay binigyan diin ni Cabatbat na kaya pa rin naman ng mga local hog raisers na punan ang posibleng pagtaas ng supply.