Nananatiling ligtas mula sa African Swine Fever (ASF) ang mga karne ng baboy at iba pang pork products na ibinebenta sa mga palengke sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng isinagawang inspection ng ahensiya sa ilang mga pangunahing pamilihan kung saan tinungo ng mga ito ang mga market section na pinagdadalhan at pinagbebentahan ng karne ng baboy.
Gayonpaman, nagiging matumal umano ang bentahan ng karne ng baboy dahil sa posibleng epekto ng ASF scare.
Ito ay sa kabila ng natukoy na pagbaba ng presyo nito mula pa noong nakalipas na lingo.
Tiniyak naman ng DTI ang pakikipag-tulungan sa Department of Agriculture upang mabantayan ang paglabas ng karne ng mga baboy sa mga pamilihan at tiyaking tanging ang mga ligtas lamang ang naibebenta.
Sa kasalukuyan, mahigit 20 probinsiya sa buong Pilipinas ang nasa ilalim ng red zone habang ilang truck ng baboy na rin ang nasabat sa mga checkpoint area dahil sa mga pekeng travel documents.
Marami sa mga naharang na baboy ay natukoy na nagpositibo sa ASF virus.