-- Advertisements --
Bridget the Midget
Bridget the Midget/Twitter image

Arestado ang sikat na adult film star na si Bridget Powers dahil sa pananaksak sa kaniyang kasintahan.

Ayon sa mga kapulisan sa Las Vegas, nirespondihan nila ang tawag sa 911 kung saan nakita ang biktimang si Jesse James na sugatan sa kaniyang hita.

Itinuro nito ang kasintahang si Bridget Powers o kilala bilang si “Bridget the Midget”.

Sa imbestigasyon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na nagbunsod sa pananaksak ni Powers sa nobyo nito.

Nakakulong na ito ay nakatakdang sampahan siya ng kaso.

Taong 1999 ng sumikat si Powers sa ilang mga adult film.

Lumabas din ito sa Hollywood films gaya ng “S.W.A.T” at “The Surreal Life”.