-- Advertisements --

Nagsampa ng kaso ang 34 kababaihan laban sa online pornsite na PornHube at ang parent company nito na MindGeek.

Ito ay dahil sa pinagkakakitaan umano ng kompanya ang mga video na nagpapakita ng rape, child sexual exploitation, trafficking at ilang nonconsensual sexual content.

Ang kaso ay inihain ng Brown Rudnick LLP na siyang nagrepresenta sa 34 na kababaihan na biktima ng sexual exploitation kabilang ang mga menor-de-edad at mga biktima ng rape at human trafficking.

Sinabi ng abogado ng mga biktima na si Michael Bowe na parang nag-o-operate ang online pornography na old-school red-light district na nagbebenta ng mga malalaswang video.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng pornsite ang nasabing alegasyon at sinabing lahat ng mga video niya na nai-upload ay may paalam sa mga may-ari ng mga video at mga gumawa nito.

Ang MindGeek ay may-ari ng mahigit 100 pornographic websites sa buong mundo kabilang ang PornHub, RedTube, Tube8 at YouPorn.