Kasunod ng malakas na lindol na nangyari sa malaking bahagi ng Mindanao kahapon, siniguro ng Port Management Office ng Surigao na ligtas ang lahat ng kanilang mga empleyado.
Tiniyak rin nito na lahat ng kanilang mga tauhan sa Terminal Management Office ng Tandag ay agad na na evacuate matapos magbaba ang City Disaster Risk Reduction and Management council nito ng Tsunami Alert.
Kaugnay nito ay masaya namang iniulat ng pamunuan nito na walang naitalang napinsala sa mga pantalan na sakop ng PMO Surigao. Maliban lamang dito ang lawigan Port sa Bislig Surigao del Sur.
Nagkaroon kasi ng ito ng mga minor na bitak sa operational area nito dulot ng lindol na tumama sa naturang pantalan. Kaagad namang nakabalik sa normal na operasyon ang Terminal Management Office ng Tandag.
Samantala, naramdaman din sa mga pantalang sakop ng PMO Agusan ang lindol at aftershocks kagabi at sa ngayon ay wala naman naitalang pinsala sa mga pantalang sakop nito.