-- Advertisements --

Isinuko ng Ayala Corporation ang pagkontrol sa Manila Water Company (MWC) sa kanilang strategic partner na si Enrique Razon Jr.

Sa ginawang pagbubunyag ng Philippine Stock Exchange, ang nasabing hakbang ay dahil sa pag-angkin ng 25 percent ng stake sa Manila Water ng Prime Metroline Holding Inc. ni Razon.

Sa pamamagitan ng Trident ay mai-corporate ang nasabing transaction.

Mayroong 65.95 percent na voting shares ang Philwater sa Manila Water.

Nangangahulugan dito na ang Prime Metroline ay nakakuha ang 820 milyon na Metro Waters Corporation common shares na may kabuuang P1.066 bilyon.

Naniniwala si Manila Water Chairman Fernando Zobel de Ayala sa karanasan ni Razon sa mga port operations ay mapapalawig pa ng Manila Waters ang kanilang markets.