-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ngayong araw ang Port-Vila, Vanuatu batay sa datos ng U.S. Geological Survey.

Ayon sa ahensya, ito ay may lalim na 10 km o katumbas ng 6.21 miles.

Kasunod ng pagyanig ay itinaas na rin ang tsunami warning sa naturang lugar habang asahan pa ang mga aftershocks nito.

Sinabi naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na posible ang mapaminsalang tsunami sa coastal areas na nasa loob ng 300 km mula sa epicenter ng lindol.

Tiniyak naman ng ahensya na hindi ito magdudulot ng mapaminsalang tsunami sa aumang bahagi ng bansa.