Humakot ng impresibong 30 points at 15 rebounds si Michael Porter Jr., at bumangon ang Denver Nuggets mula sa pagkakabaon sa fourth quarter upang biguin ang San Antonio Spurs, 132-126.
Nagdagdag din si big man Nikola Jokic ng 25 points at 11 assists, maging si Jerami Grant ay nagtapos na may 22 markers.
Umabot ng hanggang 12 ang abanse ng Denver sa first half bago mapako ng siyam na puntos sa third quarter.
Naagaw namang muli ng Nuggets ang kalamangan sa final canto, tampok ang inihulog nilang 13-4 bomba para ilista ang 110-101 sa nalalabing 5:34 ng regulasyon.
Bunsod nito, laglag sa 2-2 ang San Antonio mula nang mag-umpisa ang restart.
Si Rudy Gay naman na tumabo ng 24 points ang naging sandigan ng Spurs.
Sa kabila nito, inihayag ni San Antono coach Gregg Popovich na marami raw natutunan ang kanyang tropa sa nakalaban nilang magaling na passer at rebounder, partikular si Jokic.
“It should be an NBA rule: You can’t tap it to yourself,” wika ni Popovich. “He taps it two or three times, then he gets it and lays it back in. It’s not just luck. He does it all the time.”