-- Advertisements --

Pinapurihan ng Manila International Aiport Authority (MIAA) ang isang porter ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa pagsasauli nito ng napulot na $10,000.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines, magandang halimbawa sa mga empleyado ang ginawa ng 52-anyos na si Victor Perez.

Nakita kasi ni Perez ang pera sa isang pushcart sa arrival area extension na nakaipit sa money bank binder.

Hindi nagdalawang isip si Perez at ito ay kaniyang ipinasakamay sa lost and found division ng paliparan.

Matapos ang pag-review sa CCTV ay nakita nila ang isang Korean national na naghahanap ng nasabing pera at ng makumpirmang ito ay kaniyang pag-aari ay ibinalik na rin ito sa kaniya.