-- Advertisements --
Hiniling ng alkalde ng Portland, Oregon na tanggalin na ang mga federal officers dahil sa alegasyon na sila ang nagdudulot ng kaguluhan sa lugar.
Inaakusahan kasi ang mga ito na nagiging abusado at sinasaktan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Sinabi ni Mayor Ted Wheeler na ang mga federal officers na ipinadala sa lungsod ay nagdulot na gulo sa matagal ng stand-off sa pagitan ng mga protester s at kapulisan.
Mas lalo pa aniya sila nagpapagulo sa lugar kaya nararapat na sila ay tanggalin na.
Nagbunsod ang kilos protesta sa lugar bilang bahagi pa rin sa pagkondina sa naganap na pagpatay kay George Floyd habang nasa kamay ng kapulisan ng Minneapolis.