Isinisi ni Portland Mayor Ted Wheeler kay US President Donald Trump ang nagiging kaguluhan sa kaniyang lugar.
Ayon sa Alkalde, na ang dahilang ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan niya ay dahil mga naging pahayag ni Trump.
Dagdag pa nito na kapag wala na si Trump sa puwesto ay magiging tahimik na ang lahat at magkakaisa na ang lahat.
Aniya na gagawin niya ang trabaho nito bilang alkalde ng lungsod at dapat gawin din ni Trump ang nararapat na trabaho nito bilang pangulo ng US.
Magugunitang sumiklab ang kilos protesta matapos ang pagkamatay ng African-American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan.
Sinagot naman ni Trump ang mga pahayag ni Wheeler kung saan sinabi niya na walang ginawang mabuti para sa kaniyang lungsod si Wheeler.
Hinayaan din aniya ng alkalde na mamamayani ang mga kaguluhan at kaniya pa itong kinokonsinte.