-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ng Portland ang nasa likod ng pagtatapon tear gas habang nagtatalumpati si Mayor Ted Wheeler.
Agad na nagsuot ng face mask at googles ang alkalde at umalis sa lugar.
Ayon sa Portland Police, wala pa silang suspek kung sino ang nasa likod ng pagtapon ng tear gas at kung ang alkalde ba ang kanilang target.
Kinausap kasi ni Wheeler ang mga nagsasagawa ng kilos protesta sa lugar matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng mga demonstrator at mga federal forces.
Magugunitang ipinag-utos ni US President Donald Trump na magpakalat ng mga federal agents para patigilin ang mga protesters.
Nagbunsod ang kilos protesta dahil pa rin sa pagkontra nila sa racial discrimination.