Desidido ang Portland Trail Blazers na maitabla sa 1-1 ang Western Conference finals nila ng Golden State Warriors.
Ito ay matapos na mabigo sila sa first game, 116-94, kung saan sa home court mismo ng Warriors.
Napag-aralan na rin daw nila ang kanilang pagkukulang noong first game.
Nabalewala kasi ang nagawang 19 points ni Damian Lillard sa pagpasok ng second quarter laban sa pinagsamang 62 points na ginawa nina Stephen Curry (36 points) at Klay Thompson na may 26 points.
Maraming mga basketball experts naman ang naniniwalang mahihirapan ang Warriors na talunin ang Blazers dahil sa dalawang beses na tinalo ng Portland ang NBA defending champion noong regular season.
Unang tinalo ng Portland noong December 27 sa kanilang overtime game, 110-109, sa homecourt ng Warriors at naulit ito noong Pebrero 13 sa kanilang homecourt naman nang tambakan nila sa iskor na 129-107.