Pahabaan na ang mga pasahero sa mga pangunahing port area sa bansa, isang araw bago ang paggunita ng todos los santos.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Capt. Armand Balilo, pinaka malaking bilang ng mga byahero ay nai-record sa Batangas Port, habang marami rin sa Bicol, Western at Central Visayas.
Kaya naman todo higpit na rito ang PCG para matiyak ang kaayusan sa mga pantalan.
Pinayuhan ng PCG ang publiko na kusang magsumbong kapag nakita ang mga over loaded na mga inter island ferries.
Samantala, maging sa NAIA terminals ay hindi magkamayaw sa dami ang mga pasahero, kaya sa labas pa lang ay may initial checking na, kasama ang K-9 units.
Sa mga bus terminals naman ay hindi pinapayagang makaalis ang mga unit na nakitaan ng manipis na gulong, crack na bintana at lasing na driver.
Habang hinuhuli naman ang mga pasaherong may dalang armas o anumang maaaring magdulot ng panganib sa mga kapwa nito mananakay.