-- Advertisements --

Kinumpirma ng Portugal na umaabot sa 13 mga players ng football team ang nagpositibo sa Omicron variant ng coronavirus.

Tinukoy ng kanilang national health institute na ang mga players ay nagmula sa Belenenses, isang soccer club na naglaro nitong nakalipas na araw.

Ayon sa mga opisyal isa sa mga players ay una nang bumiyahe sa South Africa, kung saan unang natukoy doon ang bagong variant ng COVID-19.

Bago isinagawa ang laro umabot sa 17 players at staff ng Belenenses club ang nagpositibo sa virus.

Hanggang sa lumabas sa pagsusuri na 13 pala sa mga ito ay positibo rin sa Omicron variant.