Niluwagan ng Portugal ang kanilang travel restrictions para sa mga pasahero na nagtutungo sa kanilang bansa.
Lahat aniya ng mga European COVID-19 certificates, EU digital pass o ibang mga kinikilalang vaccine passes ay hindi na kailangang magpakita pa ng negatibong test result sa pagpasok sa bansa.
Ang EU COVID-19 certificates kasi ay nagpapatunay na ang pasahero ay fully vaccinated na at tested negative o gumaling na sa COVID-19 infections sa loob ng anim na buwan.
Ipinatupad ang hakbang matapos na irekomenda ng European Council ang pagpaparehas na ng travel rules na hindi na gaanong hihigpitan ang mga fully vaccinated na pasahero.
Ang hakbang ay ipinatupad kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa nabanggit na bansa.