-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Portuguese Football Federation (FPF) na nagbanta ang kanilang star player na si Cristiano Ronaldo na ito ay lalayas na at hindi na maglalaro sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.

Ayon sa koponan na walang katotohanan ang kumalat na balita sa banta ng kanilang team captain.

Sa kada araw aniya ay nakakagawa ng kakaibang track record si Ronaldo bilang serbisyo na rin sa koponan at sa kanilang bansa.

Magugunitang hindi na gaanong ginamit ang 37-anyos na si Ronaldo ng talunin nila ang Switzerland sa score na 6-1 at siya pinalitan ni Goncalo Ramos.