Pinag-aaralan na umano ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na pahintulutan ang mga pharmacist at mga komadrona na maging vaccinators ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay DOH USec. Dr. Myrna Cabotaje, sa ngayon ay tanging mga doktor at nurse lamang ang pinapayagang magturok ng bakuna laban sa coronavirus.
“We are also looking at the pharmacists, pinagu-usapan din namin yan ni [Food and Drug Administration director-general Eric Domingo], because the pharmacy law allows the pharmacist to do vaccination, so inaaral natin ‘yan,” wika ni Cabotaje.
Inilutang din ng health official ang posibilidad na payagan din ang mga komadrona na magong vaccinators.
“They are all under the supervision of a physician. So ang importante po dyan ang may doctor na present in the vaccination site,” ani Cabotaje.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Domingo na babalangkasin ng DOH ang mga guidelines sa kung sino ang papayagang magturok ng COVID-19 vaccine.