Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga.
Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan.
Paglalahad pa ni Silver, ang financial issues na kinakaharap ng liga sa harap ng pandemya ang nagtulak sa kanila na busisiin ang ideya.
“I think I’ve always said that it’s sort of the manifest destiny of the league that you expand at some point,” wika ni Silver.
“I’d say it’s caused us to maybe dust off some of the analyses on the economic and competitive impacts of expansion. We’ve been putting a little bit more time into it than we were pre-pandemic. But certainly not to the point that expansion is on the front burner.”
Ang bawat expansion team kasi ay magbabayad ng entry fee na maaaring lumampas ng $1 billion, na mapupunta naman sa mga kasalukuyang team.
Noon pang 2002 nang huling mag-expand ang NBA nang itatag ang Charlotte Bobcats, na kilala na ngayon bilang Hornets.