-- Advertisements --
Mababa ang tiyansang may mabuong bagyo ngayong linggo ayon sa state weather bureau.
Ayon kay state weather bureau specialist Obet Badrina, walang low pressure area (LPA) ang nakikita base sa latest satellite image ng bureau.
Aniya, normal na kakaunti ang tiyansa ng nabubuong bagyo kapag buwan ng Pebrero at Marso.
Nauna ng iniulat ng bureau na maaaring may isang bagyo na pumasok o kaya naman ay walang bagyo ngayong Pebrero.
Samantala, asahan naman ngayong araw ng Martes, Pebrero 4 na magdadala ang easterlies at northeast monsoon ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa ilang parte ng bansa.