-- Advertisements --

Nakatakdang talakayin ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa susunod na mga linggo kasama ang Technical Working Group (TWG) ang posibilidad na pagluluwag ng border restrictions sa bansa para sa mga dayuhan.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang posibilidad ng pagrekomenda ng pagluluwag sa border restriction para sa mgabanyagang nais na mag-travel sa bansa.

Ito ang naging tugon ni Vergeire ng tanungin kung kailan ang tamang panahon para alisin na ang entry requirements para sa mga foreign travelers bago makapasok sa bansa kung saan may ibag mga bansa na rin ang nagtanggal ng kanilang sariling restrictions sa gitna ng covid-19 pandemic.

Sinabi din ni Vergeire na tatalima sila sa inisyu na Executive Order (EO) 168 na nagtatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Isa ito sa kanilang pag-uusapan sa IATF kung sakaling maaaring amyendahan ang EO 168 para sa pagluluwag ng restrictions dahil base na rin sa direktiba ng Pangulo ay nais din nitong makapagbukas ng mas marami pang sektor at mas maluwagan pa ang restrictions sa borders.

Subalit iginiit ni Vergeire na sasangguni pa rin sila sa magiging direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa naturang usapin at titiyakin na ito ay magiging ligtas para sa publiko sa oras na maaprubahan ang pagluluwag sa border restrictions.

Una rito, noong Pebrero, pinayagan ng IATF ang pagluluwag sa travel restrictions na nagpapahintulot sa pagpasok sa bansa ng mga banyaga para sa negosyo at tourism pruposes sa ilalim ng ilang kondisyon.

Kabilang sa ilang requirements ay dapat fully vaccinated kontra covid-19, maliban sa mga minors na edad 12 pababa na bumabiyahe kasama ang kanilang fully vaccinated na banyagang magulang.