Maaari umanong nagmula ang buhay ng Alien sa isang ‘hot water’ sa planetang Mars ito’y ayon sa mga bagong ebidensya na mayroon ang mga scientist kung saan minsan umanong namalagi ang mainit na lawa sa tinaguriang ‘Red Planet’ na pinaniniwalaang namuhay daw ang mga Alien noong ancient times.
Bagama’t tinuturing na ‘arid’ condition na ang planetang Mars ngayon, patuloy paring naniniwala ang mga siyentipiko na pinanirahan ang planetang ito ng mga extraterrestrial, billion panahon na ang nakakalipas.
Inuulat na ang bagong ebidensya ay galing sa isang zircon grain na hinihinalang mayroong fingerprints ng fluids mula umano sa katubigan. Ang zircon grain ay pinaniniwalaang nasa 4.45 billion taon na.
Nakita ito sa Martian metrorite NWA7034 na ayon sa mga eksperto nasa dalawang billion taon na ang tanda na una namang na diskubre sa Sahara Decert, North Africa noong 2011 at tinataya namang pangalawa sa pinaka matandang uri ng bagay na nadiskubre ng mga siyentipiko.
Naniniwala naman ang mga iskolar na ang bagong ebidensya anila ay magbibigay ng malalim na kaalaman sa hydrothermal system, kaugnay sa nilalabas ng bulkan na magma na siyang pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na bumalot sa Mars.
Ayon kasi sa mga siyentipiko ang hydrothermal systems ay nagbigay ng ugnayan kung bakit nabuo ang buhay sa planetang Earth kung saan naniniwala sila na minsan nagkaroon ng tubig ang Mars—isang ingredient para sa mga ‘habitable environments’ na siyang nabubuo na tinatawag namang ‘crust formation’ na makikita sa Earth.
Sa teyorya ng mga geologists iba naman ang sinasabi ng mga ito maaari raw nawala ang tubig sa Mars, 4.1 billion taon nakakalipas ay dahil daw sa tinamo nitong solar radiation mula sa Araw.