-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi nakikita ng isang geo-political analyst na si Professor Anna Malindog-Uy na mawalan ng bisa ang kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na pinagtibay ng gobyernong Pilipinas at Estados Unidos sa administrasyon ni US President Donald Trump.

Ito’y sa kabila ng mga sunod-sunod na anunsyo ni Trump na pagpa-atras ng mga pagtulong ng US government para sa maraming kaalyadong bansa dahil sa kanyang isinulong na ‘America First.’

Sinabi ni Uy na bagamat maiturong a isang ‘transactional president’ si Trump dahil hindi nito gusto manggugulo sa ibang mga bansa subalit malinaw naman ang malaking interes ng Amerika pagdating sa rehiyon ng Asya.

Magugunitang umiinit ang usaping EDCA sites dahil sa nabulgar na typhoon missile launchers na ilang buwan nang naka-posisyon sa Luzon provinces na maaring inihanda para sa anumang malakihang paggalaw ng puwersang Tsina sa Pilipinas dahil sa West Philippine Sea issue.